Akala ko hindi ako magiging affected sa memorial service ni Michael Jackson(dahil hindi ko naman sya naging idol at onti lang naman ang alam kong kanta nya). Pero men, sobrang touching umpisa pa lang. Ang sakit na nga ng lalamunan ko kapipigil sa luha ko e. Pero hindi ko na napigilan nung nagsalita si Paris Jackson.
Oh well~ Thank you for the music, MJ.
Ana @ 10:45:00 PM
Saturday, July 04, 2009
Wow. 2NE1's version of Umbrella at Music Bank. Wow talaga.
(BTW, Sandara, now known as Dara, is a member of 2NE1. Infairness, ang ganda ng career nya sa Korea. Sana kasi hindi na lang sya ginawang "krung-krung" dito sa Pinas e. Tsk.)
Ana @ 1:07:00 AM
Tuesday, June 30, 2009
Alam mong adik ka na sa Boys over Flowers kung:
~ araw-araw mong sine-search sa Google ang "Boys over flowers", "Lee Min Ho" at "Goo Hye Sun". ~ wallpaper sa computer at cellphone mo ang mga mukha ng bida ng BOF. ~ kabisado mo na ang OST ng BOF kahit hindi mo naman naiintindihan yun. ~ pati message at alarm tone mo, BOF na din. ~ pinanood mo na nga sa DVD, pinapanood mo pa ulit sa ABS-CBN. ~ napapanaginipan mo na sila. >.<
Actually, ganyan ako ngayon. Ahahahaha~! Pasensya naaaaa!
***
Wow, July 1 na bukas. :o
Ana @ 10:50:00 PM
Thursday, June 25, 2009
Mapalad pa rin pala ako.
Ana @ 11:01:00 PM
After 6 days ng pagpupuyat sa gabi at pagiging bangag sa umaga, sa wakas natapos ko na din ang Boys Over Flowers. At kinakain ko na ang sinabi kong hindi ako mahoo-hook dahil ANG GANDA!!! Pramis, maganda talaga. Teary eyed ako sa ibang scene e. Feeling ko nga nalampasan pa nito yung Meteor Garden e, para sa akin ha. Kasi:
- mas nakakakilig yung mga scenes - hindi matagal yung pagkakaroon ng amnesia ni Jun Pyo (isang episode lang, unlike sa MG isang season!) - tama lang yung ending. Ok lang kahit walang sequel pero okay lang din kung magkakaroon - ANG GWAPO NI GOO JUN PYO!! Obvious ba?! - ganda ng OST! winner grabe. kahit hindi ko naiintindihan. ahahaha! (fave ko yung Yearning Heart. Haaaaaaaay...)
So ang rating ko ay 9/10. ;)
Ana @ 5:08:00 PM
Saturday, June 20, 2009
Sooooooooobrang saya ko kahapon! Ahahaha! Birthday kasi ng aking pinakamamahal na kaibigan na si Donna(super salamat!) at nagkita-kita na naman kami. Nandun din yung ibang highschool classmates namin kaya saya talaga. The more the merrier talaga e. Kwentuhan plus videoke galore pa. Ayos talaga!
Nothing beats highschool talaga. Goodness, gusto ko ulit sila makita! I miss them already. Awwwww.
***
Fine, I joined the BOF bandwagon. Ahahaha! Hindi na Hana Kimi ang level nun sa akin, Coffee Prince na. Ahahaha! Gwapo mo Jun Pyo!!!!
Ana @ 9:03:00 PM
Wednesday, June 17, 2009
Feeling ko today is my lucky day! Wala lang, feeling ko kasi umaayon ang panahon sa aking kagustuhan. Dalawa lang naman ang hiling ko ngayong araw, wag umulan habang nasa Manila ako(umulan din pero pagkasakay na pagkasakay ko ng bus pauwi) at pumasa ako sa exam. Nangyari naman.
Mahal talaga ako ni Lord. Sa uulitin Po! *wink*
***
Nakuha ko na TOR ko kahapon. Graduation ko pala nung May 29, 2009. Ahahahahaha! Nakakatuwang ewan e.
***
BAKIT ANG POGI MO??? Ahahaha! Okay, si Jun Pyo na ang gusto ko! Nung una kasi, kahit sobrang kontra at lait yung kapatid ko kay Ji Hoo, sya yung gusto ko F4 ng BOF. Ang kyot kasi mag-smile e! E nakita ko yang picture ni Jun Pyo. Wala, out na si Ji Hoo agad. Ahahahaha.
Onti na lang, magpapa-Jan Di hair-alike na ako. Haha!
Katatapos ko lang manood ng Tayong Dalawa. Lately lang ako sumubaybay jan, mga last week lang. Tinext na kasi ako ni Gerald Anderson sabi nya manood naman dw ako. Ahahahaha, jooooooke. Ang ganda na rin naman kasi. Patawa din. Alam mo kung bakit? Kasi sa kwento ngayon, si Stan(Jiro Manio) na lang ang solusyon(sa tingin namin ng kapatid ko) para makalaya si JR(Gerald Anderson) dahil nasa kanya ang tunay na ebidensya. E diba ayon sa latest showbiz chismis, tinanggal na si Jiro sa Tayong Dalawa. So, paano na makakalaya si JR? Ano yun, forever na sya sa Munti? Ahahahaha! Basta natatawa ako sa nangyayari sa kanila. lolz.
Hay nako, nakaka-bobo talaga ang mga teleserye. :0
***
Asar na asar na asar ako kanina sa episode ng Bud Brothers! (Yes, nanonood ako nyan kesa naman yung palabas ni Kris Bernal yuckydoodles ahahahahaha) Sa lahat ng episode na napanood ko, yung kanina talaga yung pinaka-panget. Sorry Manuel Chua at Valerie Conception pero panget talaga. Slightly kadiri pa. Saan ka ba naman nakakita, kelangan talaga walang t-shirt habang nag-bbarbeque pero yung mga kasama naman nya sa kwento, nakadamit lahat. Letche. Basta ang corny talaga nun. Eeeeeeewwww.
Buti pa nung episode nina John Prats at Denise Laurel. Ahahahahahahaha!
Uulitin ko, mas okay talaga ang Bud Brothers kesa sa palabas ni Kris Bernal yuckydoodles. >:D
***
Okay fine, nanonood at manonood na ako ng Boys Over Flowers. Nung friday lang nag-start. Cute kasi sa commercial e. E cute pala talaga. Ahahahaha! Pero feeling ko hindi ako maadik dito. Di tulad nung Meteor Garden days. Hana Kimi lang siguro ang level. Hehe.
Anyway, pirated DVD ng BOF, here I come. Hindi na kita hihintayin sa TV. Tagal e.
***
On super unrelated note, after 20 years and 10 months, alam ko na ang favorite food/ulam ko: Caldereta ng nanay ko. Hindi pala fried chicken, caldereta ng nanay ko pala. Sa wakas nag-meet din tayo. ;)
Ana @ 10:23:00 PM
Ana who?
Ana Valerie Clado. 20. BS Computer Science graduate(yay! finally!) at De La Salle University - DasmariƱas. Proud Pinay. Blogger since 16. Currently unemployed :P